Linggo, Abril 27, 2008

GMA, De Castro et al dapat maunang magbitiw

July 08, 2005

mula sa PM blogspot

Resign all iginiit; GMA, De Castro et al dapat maunang magbitiw


Matapos unahan ng nagpapanik na si Gloria Macapagal-Arroyo ang deklarasyon ng pagbibitiw ng mga miyembro ng kanyang gabinete, binigyang buhay muli ng Partido ng Manggagawa (PM) ang panawagang mag-resign lahat ng opisyales ng gubyerno lalu na ang pekeng pangulo kasama sina De Castro at Drilon.


Ayon kay Gerry Rivera, Vice-Chariman ng PM at presidente ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA), kung sinsensero at hindi gimmick ang pagsibak ni Gloria sa gabinete, dapat daw ay sya ang nanguna sa pagbibitiw.

Bilang puno’t dulo ng problema, si Gloria dapat ay mag-set ng magandang ehemplo sa pamamagitan ng pangunguna sa pagbibitiw kasama ang buong gabinete,” dag-dag pa ni Rivera.


Mas mabuti pa daw ang miyembro ng gabinete na duminig sa panawagang resign all, samantalang si Gloria na numero unong gustong paalisin ng mamamayan ay nagpapakaipokrita at tengang kawali.


Nagpahayag din si Rivera na tutol sya sa mga panukala ni Gloria tulad ng Federalism at two-party system spagkat di ito ang magreresolba ng mga problema ng mamamayang Pilipino sa kasalukuyan, samantalang hindi naman daw interesado ang mga civil societies na maging miyembro ng gabinete hanggat nananatili sa pwesto si Arroyo.

Matagal na naming iginigiit na bulok ang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa. Pero hindi solusyon sa problema ang mga proposal ni Arroyo. An tanging sagot ay ang kanyang pagbaba sa pwesto kasama ang iba pang trapo at ang pagbabago sa buong sistema,” pagbabanggit ni Rivera.


Samantala, binanggit ni Rivera na ang paglulunsad ng tutoong reporma ang sagot sa black propaganda ni Gloria na magiging banana republic ang bansa sakaling magkaroon ng panibagong people power.

Ang kailangan ng tao ay isang bagung people power na kaiba sa Edsa 1 and 2, people power na magtataguyod ng trasitional revolutionary government na tunay na kakalinga sa interes ng mamamayan,” pagpapatuloy ni Rivera.###

Walang komento: