Miyerkules, Abril 2, 2008

No to Gloria, No to Noli

RESIGN ALL!

Nuong kasagsagan ng impeachment laban kay dating Pangulong Erap Estrada, maraming grupo ang nanawagan ng Erap Resign (2000-2001) ngunit nagpakita ng kaibang linya rito ang Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), Zone One Tondo Organization (ZOTO), at marami pang iba, at ito ang "Resign All!".

Ilang araw matapos bumagsak si Erap, agad na naglabas ang mga grupong kasapi sa kampanyang Resign All ng paninindigan / slogan: "Erap's ouster is the people's will, but Gloria is not the people's choice!"

Ilang araw pagkatapos nito, napaslang naman ang utak ng Resign All, si Ka Popoy Lagman, na siyang tagapangulo ng BMP bago siya mapaslang.

Ngayong kampanya laban sa pamumuno ng pekeng pangulong Gloria Arroyo, muling nananawagan ng Resign All ang Sanlakas, BMP, KPML, ZOTO, at mga kasapi't kaalyado nila dahil hindi sila payag na isang Noli lamang ang ipapalit!

Pagkat hindi naman relyebo ito ng panguluhan, kundi dapat matiyak ang pagbabago ng sistema.

Kaya kaakibat ng panawagang "Resign All" ang panawagang "Baguhin ang Sistema!"

Walang komento: